Dikya

by The Professional Cynic

Archived from Multiply account. Originally posted 08/05/09.

p0472tzv

Photo from BBC Earth

Sapo ang palad at nag hahabulan,
Tangay-tangay ng hangin ang problemang nagdaraan.
Tumutulig ang lutong ng bawat tawa
Sabay sa hampas ng alon sa may aplaya.

Masayang kiniliti ang sintang minamahal,
Hagikhik ng pagnanasa’y mauulinigan.
Dilim sa paligid, kislap lang makikita
Mula sa dalang ilawang gasera.

Tamis ng halik ng nagmamahalan
Haplos ng nag-iinit at nananabik na kagustuhan.
Pangakong sila lang ang magsasama
Kapit ng dikya sa leeg, pumutol sa ligaya — patay.

Advertisements