21 Reasons Kung Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo

by The Professional Cynic

So siguro iniisip mo na nainspire ako sa bagong labas na movie nina Kim Chiu at Xian Lim na may halos kaparehong title ng blog na ito kaya ko ito ipinost… well, nagkakamali ka! *Sampal* Judgmental much!

Unang-una ay hindi ko pa ‘yon napapanood; pangalawa ay wala akong planong panoorin ‘yon. Naisip ko lang i-post ‘to dahil una ay kailangan ko ng entry sa inaagiw nang blogsite na ito; at pangalawa ay dahil… haha, basta ayokong sabihin. Hihihi.

At kung bakit 21 at hindi na lang 20? o 10? o 25? E una ay wala kang pakialam dahil hindi mo naman ‘to blog; at pangalawa ay dahil plano ko sanang mag-post nang 21 blogs about 21 lists para sa 21st birthday ko, na malabo nang mangyari dahil ito pa lang ang unang entry ko at santambak pa ang mga photos na kailangan kong i-edit. Anyway, going back to the list…

1. Hindi ka physically attractive.

Let’s be honest here, people judge you based on your physical appearance. Yung kabutihan nang loob at kagandahan ng ugali, it just follows. Kaya kahit pa ilang batang kalye na ang binigyan mo nang limos, o ilang matanda na ang tinulungan mong tumawid sa kalsada, o ilang rosaryo na ang napigtas mo sa sobrang taimtim mong magdasal, hindi nya pa rin kayang sikmurain ang makipag-lips to lips sa’yo at hindi nya ma-take na lumabas kasama ka at ipangalandakan sa buong mundo na, “Ito ang syota ko, kahit exotic ‘to mahal ko ‘to!”

2. May girlfriend/boyfriend na sya.

Taken na sya at ang mas masaklap, sobrang in-love sila sa isa’t-isa. Ano nga namang laban mo dun sa pango, pandak, mukhang mabaho, na may malapad at halos puno nang tigidig at blackheads na mukha na nagmahal sa kanya ng wagas sa loob ng tatlong taon? Bakit nga naman nya isusugal ang 3 years nang tried and tested nilang pagmamahalan over you?

3. Mahirap ka lang.

Rich kid sya, meron s’yang bahay at kotse, graduate sya sa isa sa “Big Four” universities, at afford nyang kumain sa mga sosyaling restaurants once a week samantalang isa ka lang hamak na commuter at graduate sa isang State U, kung hindi ka pa nga sumigaw sa Mendiola at nagsunog ng upuan baka hindi ka pa naka-graduate on time.

Yo momma is so poor,  she can’t even pay attention.

4. Wala kayong commonality.

Wala kayong common interest. Whether sa sports, sa showbiz, sa current events, sa pagkain, sa mga napuntahang lugar, sa experiences, sa dumi sa katawan — lahat wala. Para bang nung hinulma kayo noon sa putik, sinigurado nyang wala talaga kayong pagkakapareho para wala kayong mapag-usapan kapag kayong dalawa lang ang magkasama habang naglalakad sa daan. Kaya sa buong 15 minutes na magkasama kayo’t pilit mong hinahagilap sa bawat sulok nang utak mo ang mga topic na pwede nyong pag-usapan ay sumasabay naman ang linsyak na pagkapraning mo at iniisip mong iniisip nya na boring kang tao at para kang tuyo’t na dahon o mas bobo pa sa bobo dahil wala syang mahitang kahit ano sa’yo. On the other hand, iniisip mo rin at jina-justify na baka boring din syang tao dahil wala rin syang maisip na topic to keep the conversation going… hanggang ayun, nakarating na sya sa bahay nila na wala kayong napag-uusapan. AWKWAAAAARD!

5. Hindi kayo pareho nang gender preference.

Straight s’ya… mas straight pa sa ruler. Sorry for breaking the bad news ‘teh.

6. May crush s’yang iba.

Mas maganda, mas matalino, mas interesting, mas mayaman, mas may class, at mas may breeding kumpara sa’yo.

7. Crush n’ya ang sarili n’ya.

May mga taong sobra humahanga sa sarili, physically, intellectually, at kung ano pang -ly na maisip mo. They can’t imagine seeing themselves together with somebody na mas mababa sa kanila. Feeling nila no one deserves them, masyado silang magaling, maganda o gwapo, mabait, kaysa sa’yo. Pero don’t worry, hindi naman nila ‘to ipinagmamayabang, kadalasan, sinasarili lang nila ang feeling at perspective na ito.

8. He/She feels like you don’t deserve him/her.

Medyo kabaligtaran naman ‘to nung number 7. Feeling nila masyadong mataas ang standards mo o masyado kang magaling, maganda/gwapo, mabango, maputi kumpara sa kanila kaya nakakaramdam sila nang insecurities kaya feeling nila ay hindi sila karapat-dapat para sa isang dyosang kagaya mo. Gandaaaaaa!

9. Corny ka.

Hindi sya natatawa sa mga joke mo. Hindi bumebenta sa kanya ang mga knock-knock at mga hirit mo. Sabi nila, bukod sa physical aspect ay sa humor daw nafo-fall ang isang tao. So kung pangit ka at olats ang humor mo… pakamatay ka na lang.

10. Magkaiba kayo ng religion.

Iglesia sya, catholic ka.

For heaven’s sake, hindi ko alam kung bakit nagmamatter pa ‘to to think na crush pa lang ‘yan at hindi pa naman kayo magpapakasal, but believe it or not, for other people religion barrier really does matter, at very willing silang iwaksi ang kanilang feelings kahit gaano kasakit, kahapdi, kahirap, at kasaklap  masunod lang ang turo ng relihiyon. Well good luck!

11. Masyado kang advance mag-isip: Isip-bata s’ya.

12. You’re too stiff.

You guard your emotions so much. Gusto mong sapakin ang sarili mo nung sumobra nang isang “Ha” ang “Haha” mo nung nag-joke s’ya; agad mong dinivert sa computer monitor yung attention mo nung aksidenteng magsabulong ang mga paningin nyo; ngiti lang ang isinagot mo nung pinuri nya yung bago mong hairstyle; nakailang isip ka pa kung lalagyan mo ba ng smiley yung reply mo sa kanya sa chat o hindi; halos masira na yung close button ng elevator nung makita mong papasakay sya dahil ayaw mong makulong sa kahon na ‘yon mula ground floor to 9th floor nang kayong dalawa lang ang laman. Sa hindi malamang kadahilanan, kalkulado mo ang lahat ng kilos, emosyon, salita, kurap, hinga, at pati pintig ng puso mo sa tuwing kasama s’ya; takot kang unconsciously e may magawa ‘kang bagay that will give him/her a hint na may gusto ka sa kanya.

13. Jejemon ka.

I believe I don’t have to elaborate this anymore.

14. Boring ka.

Sa 21 taon mong existence sa mundong ito, napaka-konti nang references mo; whether sa pagkain, sa fashion, sa sports, sa current events, sa artista, sa music, sa hobbies, sa pelikula, sa libro, sa games, sa mga lugar na napuntahan, at sa kung ano pa mang topic na in-open nya para may mapag-usapan sana kayo habang sabay na naglalakad na wala ka namang maisagot dahil wala ka naman talagang idea tungkol ‘don. Isip ka nang isip kung saan ka nagkulang — Nagkulang ka ba sa pagbabasa ng Bulgar? Sa panonood ng The Buzz? Sa pagba-browse ng 9gag? Sa pagbili ng mga pirated DVDs? Sa pagdadownload nang lahat ng albums nina Lady Gaga, Beyonce, Alicia Keys, Rihanna, Ke$ha at Britney Spears kahit halos mag-collapse na ang PC mo dahil sa dami ng virus? Hindi pa ba sapat na ikaw ang highest scorer sa expert level ng Minesweeper sa office computer nyo? O ikaw ang title holder ng “Prima Fashionista” nung nag-theme day kayo sa office ng “Futuristic”? Saan? Saan ka ba nagkulang at bakit sa tuwing mag-iinitiate s’ya ng conversation e palaging wala kang maisagot dahil hindi mo maisip kung saang buhok ng demonyong nagpa-Brazilian wax nya binunot ang topic na ‘yon. Napapaisip ka tuloy kung anong ginawa mo sa 21 taong nabuhay ka sa mundong ibabaw at halos wala kang kaalam-alam sa mga bagay na interesado sya. Napapaisip ka tuloy kung boring ka ba o bobo ka lang talaga?

15. Hindi ka nya type.

Halos isangag mo na ang gluta pills para lang maabot ang puting pang-dyosa, hindi na rin mabilang kung ilang running shoes na ang naupod mo sa kakatakbo para lang pumayat, ilang katrabaho na rin ang muntik mo nang makaaway nung balyahin mo silang lahat para lang mauna nung nagpa-bring me contest sa opisina nyo para mapanalunan ang Belo Facial Gift Certificate, at ilang baklang parlor na rin ang muntik mo nang kalbuhin dahil hindi nila makuha ang hairstyle na gusto mo. Marami-raming sakripisyo na rin kung tutuusin, pero hindi ka pa rin nya napapansin. Hindi mo nga maisip kung ano ba talagang ipinakain sa kanya nung pango, pandak, mukhang mabaho, na may malapad at halos puno nang tigidig at blackheads na mukhang syota nya ngayon at kahit anong pagpapagandang gawin mo e hindi ka pa rin nya napapansin.

Letse!

16. Cool s’ya: loser ka.

17. He/She’s your ideal boyfriend/girlfriend.

At dahil finally e nakita mo na ang man/woman of your life; ang taong kukumpleto dun sa weird na pakiramdam mo noon pa man na parang may “kulang” na piece sa buhay mo; ang taong magdadala nang lubos at wagas na kaligayahan sa puso mo e hindi naman syempre hahayaan nang tadhanang maging masaya ka kaya gagawin nito ang lahat para hindi maging kayo.

18. Wala kang ginagawa para mapansin ka nya.

E baka naman kasi asa ka nang asa na magka-crush din sya sayo e wala ka namang ginagawang moves para mapansin ka nya? O para malaman nya na may crush ka sa kanya? Don’t be afraid to drop some hints, halimbawa, aksidenteng nagkasalubong ang mga paningin ninyo, hayaan mo munang magtama ito nang mga 5 seconds; to achieve maximum effect, sabayan nang pagdila o pagkagat sa lower lip. O kaya aksidenteng nagkadikit/nagkahawakan ang mga kamay ninyo nung hahawakan nyo ang computer mouse, wag mong bawiin agad, hayaan mong tumagal nang mga 10 seconds; to achieve maximum effect, sabayan nang dahan-dahang paghair flip with eye contact at pagbuo ng heart sign na nakatapat sa kaliwang dibdib. Kung halimbawa namang aksidenteng nagkasabay kayo sa elevator, pindutin agad ang close button para masiguradong kayong dalawa lang ang laman nito hanggang 9th floor; to achieve maximum effect, slightly brush your hands sa numbers 1-8 nang elevator button at humingi nang sorry at sabihing akdidente mo itong napindot nung pipindutin mo na ang number 9.

19. Bato s’ya.

When all else fails at nagawa mo na lahat nang posibleng pagpapapansin na nabanggit sa mga items above, maybe it’s time para pag-isipan mo kung worth it pa ba ang lahat ng efforts at pagpapapansing ginagawa mo para sa kanya. Kung halos pinagchi-chismisan ka na nang lahat ng tao sa opisina nyo, pati nang janitor at guards ng bulding nyo, at maging nang baklang parlor na gumupit sa huling hairstyle mo, maybe it’s time para tanggaping manhid talaga s’ya at wala na ring patutunguhan ang pantasya mong ito. Isuko mo na ang laban, it’s either bato s’ya o nagfo-fall ka sa item number 15.

20. Baka naman crush ka din nya, hindi mo lang alam.

Baka naman behind those friendly akbays, accident holding hands, unanticipated eye contacts, and out of the blue power hugs e nagtatago din ang mamink-mink na puso na puno nang pagnanasa niya towards you. Yikeee! Hindi mo lang alam, dahil nga you’re too stiff at madalas e bina-brush off mo lang iyon as “friendly” gestures e nagda-drop din pala s’ya nang hints to let you know na gusto ka rin nya. Baka kasi sa sobrang pag-aakala mo na hindi ka nya type o wala kang chance sa kanya e nao-overlook mo na ang ganitong kaliliit na mga detalye. Or worse, baka naman nahihiya kang ipaalam sa kanya na crush mo sya at nahihiya din syang ipaalam sayo na crush ka nya. Pareho kayong mabubuhay na may dalang mabigat na baggage sa inyong mga puso at ang panghihinayang sa mga pupwede sanang mangyari kung isa sana sa inyo ay nagkaroon nang tapang na ipagtapat sa isa ang tunay niyang nadarama.

21. Hindi kayo destined para sa isa’t-isa.

At dahil tunay mo akong “friend” ay hindi ko hahayaang umasa ka na posible ang mga nabasa mo sa item number 20. (Evil laugh) Ayon nga kay Ricky Lee sa libro n’yang Para Kay B: “Sa bawat limang umiibig ay isa lang ang magiging maligaya,” and sad to say na kasama ka dun sa apat na magiging miserable.

Kahit anong gawin mong pagpapaganda at pagpapapansin, at kahit gaano kataimtim mo pang idalangin sa lahat ng diyos na kilala mo, maging sa diyos mo dun sa ibaba na mag break na sila nung pango, pandak, mukhang mabaho, na may malapad at halos puno nang tigidig at blackheads na mukha na syota nya ngayon, at kahit gaano mo pa katagal i-hold yung open button nang elevator para lang makasabay mo sya kahit kulang na lang e saksakin ka na ng ballpen nung mga kasabay mo dahil late na sila e magko-conspire pa din ang buong universe para hindi ka nya mapansin, lalo silang maging strong together ng syota nya, at maisipan nyang mag-yosi muna bago umakyat sa 9th floor.

Ayon nga sa kasabihan: “kung hindi uukol, hindi bubukol,” pero kung lahat na nang paraan nang pag-“uukol” e nagawa mo na at wala pa ring bumubukol, maybe it’s a sign na tigilan mo na sya. It’s either hindi kayo destined sa isa’t-isa o impotent lang talaga sya. Tanggapin mo ang katotohanan kahit masakit… na kahit sya ang ideal boyfriend/girlfriend mo; kahit siya ang dahilan kung bakit ka gumigising araw-araw at pumapasok sa opisina kahit sukang-suka ka na sa paulit-ulit mong routine sa office idagdag pa ang mga annoying na tao sa opisina at ang mala-berdugong mga bosses with special participation of sudden badtrips and annoyance brought to you by the most professional guard ever, Mang Kanor, e malabo pa sa mata ni Lolita na magkakatuluyan kayong dalawa o magkaka-crush din sya sayo dahil hindi kayo destined para sa isa’t-isa.

Anyway, ang crush naman daw is just paghanga minsan nawawala, sabi ‘yan nung mga malalanding schoolmates ko noong high school, pero kinontra ito nang MAS malalanding schoolmate ko at sinabing mas madalas daw ito’y lumalala… Kaya kung saan ka man pumapanig sa dalawang grupo na ‘yan ay matagpuan mo pa rin sana sa huli ang tunay na kaligayahan. Pero heads-up lang, ang mga malalanding schoolmates na ito ay hindi ko kasabay na nag-martsa nung highschool graduation dahil kung hindi nabuntis ay nakipagtanan sa mga “crush” nila.

Advertisements