Aura Maria

by The Professional Cynic

SHEEEET. Feeling ko talaga season ko ngayon e. HAHAHAHA. :D

Okay, remember last night na sobrang broken ako? Well, hindi pa naman talaga ako nakaka-move on.

Before ako matulog kagabi tinext nya ako. I dunno kung GM yun pero syempre wala naman akong choice kundi mag-reply. (Malandi!) Hindi naman nya ako ni-replyan so hindi ko na inintindi  inisip ko parin kung kamusta na sya, nag worry din ako kung nag uumpisa na ba syang umiwas sakin.

Tinext ko sya agad pagkagising ko. (O diba, punum-puno ng kalandian ang bungo ko ngayon.) Sobrang sincere pa naman nung text ko, mga 15mins kong kinompose tapos sinagot lang ako ng “Thanks” (Tangina, wala pang period. Dun talaga ako nasaktan.) So yeah, from that bumuo na ako ng hinuhang END OF TIME na talaga para sa aming dalawa. (As if namang may namagitan sa’min di’ba?) 

I logged in sa Facebook after ko tumae. BOOM! Online sya. Online din yung kapatid ko. Agad-agad akong nag offline. Hindi ko alam kung sya ba ang tinataguan ko o yung kapatid ko. Anyway, hanggat maaari ayoko na talagang makipag-usap sa kanya. Alam mo yun, habang may communication kayo lalo ka lang nagiging attached? (Itsura!) So nag offline nga ako, e tengeneng ticker ng Facebook, napaka-FAIL, kahit naka-offline mode ka e ibo-broadcast sa sangkatauhan na nakikipag comment-an ka at may tinataguan ka lang sa chat kaya kunwari offline ka. :|

Wala na akong nagawa, nag online na ako. Baka naman isipin nya tinataguan ko sya. HELLOOOOOWW?! HAHAHA. Minutes had passed na walang nagpa-pop na chat box (Damn! Goodbye na talaga.) Then to my surprise nag chat sya. Okay, puro kasamaan lang ang sinabi nya tapos tinatanong lang ako kung anong ginagawa ko. Medyo wala naman na ako sa mood makipag-usap nung mga panahong yun (KINISSSS!) dahil nalilibang ako sa panunuod ng mga nakakatawang videos. Sabi ko wait lang, tapos nag offline sya. GREAT. <//3

Tapos nagulat ako dahil the moment na nag offline sya e biglang may nag chat sakin, tinatanong kung anong height ko. Syempre akala ko babanat, sinagot ko ng “Bakit?” tapos sabi nya, basta kailangan nya lang daw malaman. Tapos ako parang, “Okay.” (Zannamabitz!) Ineffort ko namang mag-sukat ng sarili ko dahil baka importante yung tanong nya. Tapos nung tinanong ko kung bakit, sabi nya akala nya daw ako yung kapit-bahay nila. Bagong lipat lang daw kasi sila tapos sobrang na-shock sya nung nakita nya kasi  kamukha ko daw ng mga 85%. WTF!

Syempre sumagi sa isip ko na of all people e bakit alam nya yung mukha ko, knowing na friends lang naman kami sa Facebook at parang once in a blue moon pa kami mag-interact sa isa’t-isa. Biniro ko sya na baka mainlove sya sa kapit-bahay nila kasi kamukha ko nga. Tapos sumagot, “Actually kamukha mo nga rin yung boyfriend ko ngayon e. Mga 45%.” tapos kung saan-saan na napunta yung usapan namin na ang laman lang naman talaga e yung mga pambobola nya sakin.

To sum it up! ANG GWAPO KO LANG TALAGA! HAHAHAHA. :) No, seriously sa tingin ko maganda na rin na medyo umepal sya sa sistema ko ngayon lalo’t kailangan ko ng mapagda-divert-an ng atensyon habang nasa stage ng pagmu-move on. Wala naman akong planong i-pursue sya bilang In a relationship ang status nya. Gusto ko lang talaga ng ibang kausap para unti-unti na akong makadistansya sa nauna.

Sana talaga maging MERRY ANG CHRISTMAS KO! HAHAHAHA. :D

Update (01.16.12): 

Honestly, medyo kinilabutan ako nung muli ko itong mabasa. Ang FEELING ko pala masyado nung mga panahong yan. HAHAHA. Simula ngayon dadalasan ko na ang pagkakape para nerbyusin naman ako ng kahit konti sa mga naiisip ko. =))

Advertisements