Assuming.

by The Professional Cynic

Broken pero masaya.

Okay, let me clear things up. Hindi ko talaga pinlanong punuin ‘tong site na ‘to ng puro kalandian, buhay pag-ibig, kakornihan at kung ano pa mang interpretasyon mo dito. Nagkataon lang sigurong medyo alam mo na, dinapuan ako ng paru-parong itim na hugis puso at feeling ko e nakatapat ang sinag ng buwan sa cardiac muscle ko ngayong mga panahong ‘to. :3 (Putcha, landing-landi lang sa introductory spiel?)

BROKEN.

As in wasak na wasak?  HAHA. Yung akala mo may feelings sya para sayo, kasi nagbibigay ng motibo e, palaging nag iinitiate ng conversation kahit parang bago kayo matulog e nagkausap na kayo tapos pagkagising mo gusto nanaman makipag-usap. Consistent pa! Lintek, pa-fall no?

Tapos inaasar-asar ka, kung anu-ano sinasabi sayo tapos ikaw naman ‘tong si malandi kilig na kilig. Hanggang sa nabago na yung daily routine mo na dapat e gigising ka ng 11 am tapos magbabasa ka ng mga text messages ng mga ka-thesis mo saka ng mga GM ng mga taong hayok sa unlimited texts pero nakita mong wala yung pangalan nya sa mga nag text e buong araw mo nang hihilingin na sana magtext sya. To the point na kada tunog ng message alert tone mo e pasikreto kang bumubulong na sana pangalan nya yung lumabas. Pakipot ka pa, ayaw mong ikaw yung unang mag text kasi sabi mo “kapag ito hindi nakatiis at tinext ako, may gusto ‘to sakin”. Hanggang ayun, nakatanggap ka nga ng text galing sa kanya, pag open mo, medyo strange yung message… pero keri na, ang importante e nagtext sya. Eto ka at excited na excited na nag compose ng reply tapos nung nagtext back sya ang sabi “sori xsend”. BOOM!

Well actually, wala naman talaga akong dapat sisihin dito kundi ang sarili ko. In the first place, sino ba kasi ‘tong assumerong kung makapag-interpret ng data e akala mo gwapo. MALISYOSO! Lahat nalang ng gawin paramdam? Lahat nalang ng act may malisya? HAAAY.

Broken kasi dumating sa point na nalaman mong shoulder-to-cry-on lang pala ang role mo sa buhay nya, kaibigan ba. (FRIEND ZONED! HAHAHA.) Tapos saka nya ikinonfess sayo ang lahat…

MASAYA.

Kasi yung gusto nya (na technically ay karibal mo) e tinurn down din sya. Parang quits lang. Tinurn down ka nya, tinurn down sya nung gusto nya pareho kayong walang napala. Syempre nalulungkot ako para sa kanya, pero HELLO?! Wag na tayong magpaka-plastik. Hindi ko naman maitatangging natuwa din ako sa nangyari dahil una, alam kong kung hindi man sya mapupunta sa akin ay hindi rin sya mapupunta sa iba (at least for now habang sariwa pa ang feelings) at pangalawa e alam mong nararanasan din nya yung hirap at pagdurusang nararanasan mo sa ngayon (okay, medyo kontrabida yung dating ko dito). HAHAHA.

Sa ngayon siguro kailangan munang mag focus sa paglimot sa nararamdaman para sa kanya. WTF! Ang hirap din kasing mag adjust, naging attached ka na… nasanay ka na na hindi matatapos ang araw na hindi kayo nag-uusap. Ang dami mo pang inimagine na mangyayari sa inyo kapag naging kayo na tapos parang isang pitik lang nawala na lahat.

Ilang beses na akong napunta sa sitwasyong ‘to. Dapat talaga alam ko na yung gagawin, pero ang hirap parin talaga. Pero alam ko namang sooner or later e malalampasan ko rin ‘to. Saglit pa lang naman, alam kong magiging madali lang ‘to kasi mababaw pa lang. :)

PS

Utang na loob, minsan lang ako maging corny, pagbigyan nyo na ako. Intindihin nyo naman yung feelings ko. Tao rin naman ako, lumalandi din. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. :)))

Advertisements